Ang mundo ang aking tanghalan
ADDIK
Pormang tambay ngayong bakasyon. Ang init kasi sa labas kaya sa kwarto nalang. E-Cig lang yan, hindi tunay. Wala ako magawa dahil wala pa rin akong trabaho.
Red Baseball Cap, White T-Shirt with Red Sleeves, Baller Bands, Cropped Pants, White Rubber Shoes.

Buhay Opisina: Mga Bagay na Dadalhin Araw-araw
Money clip, pitaka, mga salamin, mga selepono, PDA, susi ng kotse (sana maayos na ang Lancer at matino na ako magmaneho pag nagsimula na ako), flash drive.

Buhay Opisina: Bagong Sapatos
Isa sa mga pinakamasakit na gastusin para sa trabaho ang mga damit. Siyempre, mahirap araw-arawin ang sapatos na ginagamit ko noong hayskul pa lamang kaya kinailangang bumili ng isa pa. Buti nalang mahilig ako sa mga polo’t kurbata kaya sapat na ang mayroon ko.

Buhay Opisina: Bagong Relo
Regalo ng ate’t asawa niya sa akin. Sakto lang, kinakalawang na yung unang relong binigay nila sa akin. Hinding-hindi ako mahuhuli sa trabaho dahil dito.

Gabi Bago ang Pagtatapos
Sa wakas! 19 na taon din akong nag-aral!

Dahil bumili ako ng bagong salamin(na wala pang grado)…
…natripan ko itong subukan sa araw ko itong binili. Dahil kailangan kong dumalo sa isang pagpupulong sa eskwelahan, naisipan kong suotin ang kamiseta de chino ng tatay ko, patungan ito ng itim na cardigan para magsilbing balabal sa leeg at sabayan ito ng shorts mula sa putol na pantalon. Sabayan pa ito ng bagong salamin at nagmukha na akong manlalaro ng tennis.
Black Rectangular Frame Glasses, White Long Sleeved Kamiseta de Chino, Khaki Short Shorts, White Loafers.

Salamindado
Ito ang mga salamin na madalas kong ginagamit sa eskwelahan o tuwing namamasyal. Kadalasan, sa praktikal na paraan ginagamit ang mga salamin: para mas luminaw ang mata o hindi masilaw. Subalit, kadalasan ginagamit rin ang mga salamin para dagdag sa porma o naging kabilang na rin sa pagkatao ng ibang mga indibidwal.
Maraming tao tulad ng iba kong mga kaibigan hindi nakikilala kung hindi sila nagsasalamin kaya sinusuot na rin nila ito o kaya’y mas bagay sa kanila magsalamin. Ang iba naman gumagamit nito para magkaroon ng “epekto.” Halimbawa nito ang mga sumusuot ng salamin para magkaroon ng disenteng dating. Sa mga teleserye naman, kitang-kita kina Superman ang pagsuot ng salamin para itago ang kanilang mga identidad sa pamamagitan ni Clark Kent.
Sumusuot lamang ako ng salamin tuwing nasa loob ng klase para makita ang mga nakasulat sa pisara at makabasa ng mga presentasyon ng mga propesor. Sa labas nito, hinuhubad ko na ang salamin maliban nalang kung bagay ito sa aking suot. Ngunit, dahil sa tigas ng ulo kong ayaw sumuot ng salamin, parati akong nakakakita ng mga taong inaakala kong mga kaibigan ko pero hindi ko pala sila kilala. Pagdating naman sa shades, gusto kong malaki ang mga frame tulad ng aviators o wayfarers dahil maliit at biluhaba(oval) ang hugis ng ulo ko.
Mula itaas hanggang baba: Aviators, Wayfarers, Red Lens Sunglasses w/ Grade(kadalasan kong ginagamit noong kumakarera pa ko sa track & field), Black Rectangular Frame Eyeglasses(palalagyan ko palang ng grado), Caramel Frame Eyeglasses(galing kay lola) at Black Frame Eyeglasses(kauna-unahan kong salamin).

Fashions fade, style is eternal.
Yves Saint Laurent
Unang Arawdado
Muling nag-umpisa ang pasukan noong ika-8 ng Nobyembre, subalit wala pa akong pasok nito dahil tuwing Martes at Huwebes lang ako may klase. Dahil wala naman ako kailangang gawin, presko lang dapat ang suot sapagkat tanghaling tapat ako umalis ng bahay at mainit ang panahon.
White Fedora Hat, White T-Shirt with Black Stripes, Gym Sack, Silver Watch, Silver Bracelet, Cropped Maong Pants, White Loafers.

Tsina 2010 (Bird’s Nest Olympic Stadium)

Sana malamig din sa Pilipinas para kaya ganitong porma kada araw. Nakakamiss din magbisikleta papunta sa mga tindahan at klase. At nakakamiss din makipag-usap sa mga tao gamit Mandarin.